Sunday, 3 April 2016

ANG KULTURA NG PILIPINAS

Ang Kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga mananakop nito noon at ang katutubong asal na nakagisnan. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na 
kadalasang kilala sa tawag na Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing sa Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig-Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Ang kultura o kalinangán sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Iba’t iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba’t ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakilanlang pangkultura ang nahubog. Sa isang bahagi, ito marahil ay sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga dialekto nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa identida.
Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga misyonerong Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng bilinggwal na uri, ang mga Latino. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni de Belen. Umusbong din ang mga panitikang sekular (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-rehiyon para sa mga mayoriyang di nakakabasa o nakakasulat. Naisulat din ang mga ito sa alpabetong Romano ng mga pangunahing wika at kumalat. Sa karagdagan, ang literatura o panitikang klasikal ay naisulat sa Espanyol, na hindi na opisyal na wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.

Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng isla ng Mactan ang unang pumigil sa agresyong kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes, na lalong kilala sa pangalang Ferdidand Magellan. Si Jose Rizal ay ipinagmamalaki ng Lahing Malay, at Pambansang Bayani ng Pilipinas. Ang unang Asian Secretary General ng United Nations ay isang Pilipino – si Carlos P. Romulo.

Itinuturing na Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Sites) ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana dito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Site) ang “Hagdang-hagdang Palayan” (rice terraces) o Pay-yo ng Cordillera, na kinikilala ring pang-walong nakakahangang-yaman ng mundo.

2 comments:

  1. Casinos Near I-95 Casino in I-95 - MapyRO
    Casinos Near I-95 in I-95 공주 출장마사지 in I-95 목포 출장샵 · MGM Resorts Casino. MGM Resorts Casino 부천 출장샵 is the largest hotel and 부천 출장샵 casino in the world, Map: Casinos Near 춘천 출장마사지 I-95.

    ReplyDelete