Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko
Anong dikit, anong inam
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.
Ang karayom kung itirik
tumutimo hanggang dibdib.
Piyesta niya’y kung sumipot
Pannyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani
Sa dikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.
Panyo’t dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na ako’y nagpapahatid
Isang matunog na halik.
Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo’y sinisinta,
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan:
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.
At ang magandang pag-ibig
Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumugiit.
Mga irog natin naman
Sila’y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.
Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot
Kalakip ang puso’t loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.
Mga Katanungan:
1.ano ang nais ipakahulugan ng tulang ito?
2.Paano mo masasalamin ang tulang ito sa buhay mo?
3.May koneksyon ba ang tulang ito sa pamagat?
4.Ano ang nais ipabatid ng huling taludtod?
5.Ano ang natutunan mo sa tulang ito?
0 comments:
Post a Comment