Bata, Bata, Pano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista Dela Cruz

Ang buhay ng tao ay isang napakahalagang biyaya ng Diyos na di dapat pabayaang masira. Ang paggawa ng isang bata ay di agad masasagot nang walang pagunawa sa tanong na "Bata , bata.. Pa'no ka Ginawa ? tanong na nakakatawa ngunit napapanahon, lalo na sa mga kabataang naghahanap ng katotohanan tungkol sa kanilang buhay at  sa mundong ginagalawan. Tayo'y nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga magulang, sila na nagbibiga
y buhay sa atin. Hiram lang ang buhay na ito kaya'y nararapat lang pangalagaan. Ang paggaawa ng bata ay may kaakibat na responsibilidad at di nagtatapos sa panganganak. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa paglaki at ang paglaki ng bata ay siya ring paglaki ng magulang bilang isang tao sa mga aspetong emosyonal, intelektwal, sikolohikal at ispiritwal. Kasama sa pagunlad ng pag iisip ng anak pati na rin sa pagusbong ng mga bagong kaisipan mula rito. Ptuloy ang kanilang paglalakbay tungo  sa  pinag mulan,ang Diyos. Marahil nga ay madilim ang kinabukasan ngunit kailangang harapin natin ito ng may tapang at pag asa dahil tanging dito lang magkakaroon ng saysay ang ating buhay. Marahil din ay walang kabuluhan ang ating pagkabuhay sa mundo ngunit kailangan pa rin tayong magpatuloy dahil tanging Diyos lamang ang may karapatang kunin ang buhay. Marahil  ay hindi na mabibigyang kasagutan ang ating mga katanungan ngunit hindi tayo dapat tumitigil  sa paghahanap ng katotohanan dahil dito natin matatagpuan ang kapayapaan. Ang tagumpay ay sakripisyo; ang sakripisyo ay pagtulong/pagpapatuloy: ang pagpapatuloy ay ang pakikibaka.

         "Bata, Bata.. Paano ka ginawa ? Paano ka ginawa sa isang lipunang ang tunggalian ay makauri, isang panahong ang bayan ay nasa krisis, sa isang pamilyang nakikipaglaban sa taong tiwalag sa kapwa ? Paano ? Sa pag-ibig, at sa pag-ibig kailangang ding mabuhay at mag alay ng buhay." !!!

Tungkol sa may akda:

Mga Katanungan:
1.sinu sino ang tauhan sa kwento?
2.Ano ang nais ipabatid ng kwento?
3.Paano mo maiuugnay ang pamagat ng kwento sa tema nito?
4.Ano ang naging reaksyon mo pagkatapos mong basahin ang kwento? Ipaliwanag.
5.paano mo maisasabuhay ang mabuting aral na natutunan mo sa kwento?

0 comments:

Post a Comment