Severino Reyes

Si Severino Reyes ay isang manunulat na Filipino. Siya ay ipinanganak sa Sta. Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Produkto siya ng Colegio de San Juan de Letran sa Intramuros at ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral siya ng pilosopiya noong siya ay nasa kolehiyo.

Ang kanyang mga magulang ay sina Rufino Reyes at Andrea Rivera.

Noong 1902, itinatag niya  ang Grand Compania de Zarzuela Tagala. Naging direktor din siya rito. Di nagtagal, ang kanyang grupo ay sumikat sa buong Maynila at kahit pa sa malalapit na bayan at lalawigan. Ang dula niyang Walang Sugat ay isa sa pinakatanyag niyang akda.

Pagkatapos ng mga dalawang dekada, nagsulat siya para sa magasin na Liwayway. Dito isinilang ang seryeng Mga Kuwento ni Lola Basyang. Nagtataglay ito ng sari-saring salaysay mula sa mahusay na pagkukuwento ni Lola Basyang, isang tauhan na hinango ni Reyes mula sa matandang babae na kanilang kapitbahay, si Gervacia de Guzman.

Pumanaw si Reyes noong 15 Setyembre 1942.

Ngunit hanggang ngayon ay namamangha ang kabataang Filipino sa mga kuwento ni Severino Reyes dahil muling isinalaysay ng manunulat na si Christine Bellen ang ilan sa mga ito.

0 comments:

Post a Comment