• Palawan


    Ang Palawan ay kilala sa pagkakaroon ng mga malalaking kuweba at gubat. Makikita rin ang ganda at kalinisang taglay ng dagat nito kung saan napapaligiran ng mga kuweba at kagubatan.
  • Camp John Hay


    Itong Camp John Hay ay matatagpuan sa lugar ng Baguio kung saan ay tinaguriang summer capital ng Pilipinas. Itong lugar ay kadalasang pinupuntahan ng mga turista upang mag-golf, camping, at horseback riding.
  • Intramuros


    Ang Intramuros ay makikita sa lugar ng Maynila. Ito ay kilala noong panahon pa ng mga Kastila dahil ito ay nagsisilbing landmark ng mga Espanyol. Sa lugar na ito rin makikita ang mga museums kung saan makikita ang iba't ibang gamit o bagay noong 1950s.
  • Bulkang Pinatubo


    Ang Pinatubo ay kilala sa angking ganda nito ngunit ito rin ay nakilala taong 1990s na kung saan ito'y nakapagdala ng higit na purwisyo sa ating bansa dahil na rin sa pagputok ng bulkang ito.
  • Bulkang Apo


    Itong Apo ay matatagpuan sa lugar ng Davao at dito rin sa lugar na ito matatagpuan ang ating pambansang ibon na kung saan ay tinaguriang pinakamalaking agila sa buong mundo.
  • Boracay


    Ang Boracay ay kinikilala na ngayon na isa sa mga pinakadinarayong lugar sa bansa ng mga lokal o foreigner. Ito ay matatagpuan sa rehiyon ng Visayas. Ang lugar ay nababalutan ng mga puting buhangin, mabeberdeng puno, at maasul at malinis na dagat. Ito rin ay kilala sa pagkakaroon ng mga disco, bars, at mga larong pantubig.

Recent Articles

Sunday, 3 April 2016

MGA NATATANGI, TUNAY, AT POSITIBONG KAUGALIAN NG MGA PILIPINO

ANG Nobyembre ay Filipino Values Month, alinsunod sa Proclamation No. 479 na ipinalabas noong Oktubre 7, 1994, upang lumikha ng k amulatang moral at pambansang pagpapahalaga sa mga kaugalian sa bansa na natatangi, tunay, at positibong maka-Pilipino. Ang mga kultura, kaugalian, at ideyalismong Pilipino—pagiging maka-Diyos, makatao, makabayan, at makakalikasan—ay sumasalamin sa mayamang pamana ng kultura at kasaysayan ng ating bansa.
Ang mga ugaling Pilipino na pinahahalagahan at isinasabuhay ng mamamayan ang nagsisilbing gabay sa ating mga aktibidad, ugnayan sa kapwa, layunin sa buhay, at nararamdaman na bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay. Ang mga kaugalian ay kinamumulatan sa sariling pamilya (gaya ng kabutihan), sa buhay na ispirituwal (pananampalataya), sa pakikipag-ugnayan sa kapwa (kababaang-loob), sa lugar ng hanapbuhay (maparaan), at sa komunidad (respeto sa batas). Ang mga kaugaliang ito na pinahahalagahan ng bawat isa sa atin ang nagbubuklod sa mga pamilya, sa mga lipunan, at sa mga bansa.
Ang pagkakaroon ng mabuting ugali ay nagsisimula at napagtitibay sa tahanan, sa eskuwelahan, at sa kapaligiran. Maaga itong naikikintal sa isipan, isinasabuhay, at hindi na nababago. Nalilinang ito mula sa mga direktang karanasan ng mga tao sa kapwa na mahalaga sa kanila, gaya ng mga magulang, mga guro, mga kaibigan, at mga kamag-aral.

Ang mga Pilipinong nangakatira sa iba’t ibang bansa sa mundo ay hinahangaan dahil sa pagtataglay ng maraming kaugalian na nakatutulong sa kanila upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay, para lumutang ang pambihirang katangiang ito sa ibang bansa: Pagbabayanihan, pagtutulungan, pagtanaw ng utang na loob, pagtitiwala sa sariling kakayahan, mahusay na ugali sa trabaho, mabuting pakikitungo sa kapwa, pagiging marespeto, pagiging relihiyoso, pagkakaroon ng tiyaga at sipag, madaling makibagay sa pagkakataon at pagiging malikhain.
Ang Pilipinas ay isang bansang labis na nagpapahalaga sa pamilya; makikita ito sa pagbibigay ng respeto sa mga magulang at sa matatanda, sa pangangalaga sa mga bata, sa pagiging mapagbigay sa mga kaanak na nangangailangan ng tulong, at sa pagyakap sa malalaking sakripisyo para sa kapakanan ng pamilya. Sa pamilya humuhugot ng lakas ang mga Pilipino, kinikilala ito bilang isang mahalagang istruktura ng lipunan na kailangang alagaan at protektahan. Bibihira sa mga Pilipino ang ipinauubaya sa mga nursing home ang pag-aalaga sa kanilang matatandang kaanak; kadalasan, kahit may asawa na ang mga anak ay nakapisan pa rin ang mga ito sa mga magulang.

KULTURANG PINOY

Ano nga ba ang kulturang Pinoy? Ano nga ba ang pinagkaiba nito noon at ngayon?
  Kulturang Pinoy, ito daw ang mga nakasanayan na nating Pinoy na gawin.

                Malaki na nga ang pinagkaiba noon at ngayon lalo na sa kultura. Gaya ng wika, ang kulturang Pinoy ay dinamiko, na
gbabago. (1) Panliligaw ng lalaki sa babae. Noon, ang mga lalaki ay nagsisilbi sa magulangng babae; nandiyan ang pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig o samakatuwid, pagpapaalila sa magulang ng babae. Kasama pa diyan ang panghaharana ni lalaki kay babae. Mahaba din ang panahon ng panliligaw at malas si lalaki kung hindi siya sagutin ni babae. Ngayon, hindi na kailangan dumaan kay nanay o kay tatay, kahit walang basbas nila ay maaari ng manligaw. Nandiyan na kasi ang “text”, “facebook”, “chat”, at “”love match” sa mga radyo. Meron namang ilan na nakikilala lang sa pagdiriwang, maya-maya ay magsyota na (magkasintahan). Ika nga ng matatanda, “noon, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka sagutin ng babae. Ngayon, para nalang itong isang laro, madaling umpisahan at tapusin.” (2) Kasal. Noon, may sayawan pa sa gabi bago ang kasal, may bigayan pa ng pera ang mga ninong at ninang pagkakatapos ng kasal, hindi maaaring magsama ang lalaki at babae bago ang kasal o kahit magkita ay bawal, at higit sa lahat, ang mga ito ay ikinakasal sa simbahan. Ngayon, ikakasal ang       magkasintahan kahit hindi pa nila gusto kundi dahil buntis na ang babae. Maaari na rin kahit hindi sila sa simbahan ikasal. Nauso din noon ang “fix marriage” o ikakasal ang hindi magkakilalang Eva at Adan dahil sa kagustuhan ng kanilang angkan. Ngayon ay bihira nalang ang gumagawa ng ganyan. Ika nga ng matatanda, “ang pag-aasawa ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag isinubo’t napaso ay iluluwa, matutong magtiis kahit napapaso ang dila.” (3) Po at Opo. Noon, kapag tinawag ka ni nanay o noi tatay at sumagot ka ng walang po o opo, siguradong dudugo ang bibig mo dahil sa sampal. Kailangan din ang po at opo kapag sumagot ka sa nakatatanda sayo. Ngayon, kapag tinawag ka ni nanay o ni tatay kahit hindi ka sumagot ng po o opo ay ayos lang. ika nga ng matatanda, “iba na talaga ngayon ang kabataan kaysa noon, mga BASTOS na.” (4) Kasuotan ng kababaihan. Noon, ang sinusuot lamang nila ay mga damit na mahahaba ang manggas, palda na mahaba, at abaka. Ngayon, ang makikita mong suot nila ay sando o “sleeveless”, “short” na maiksi, at mga matataas na takong o “sandals” na makulay, pula, itim, dilaw atbp. Ika nga ng matatanda, “ang mga kababaihan ngayon ay wala ng tinatago.” (5) Pagkain. Noon, sapat na sa mga Pinoy ang kamote, saging na saba, gulay o anumang tanim na galing sa bakuran basta sabay-sabay kumakain ang pamilya. Ngayon, ang kinakain na ay “pasta”, matatamis na pagkain, karne atbp. Kahit hindi na rin kumain ng sabay-sabay dahil ang iba ay sa mga “fast food” na kumakain. Ika nga ng matatanda’ “hindi masaya ang mga Pinoy noon kung walang mga gulay. Ngayon, ayos lang sa mga Pinoy kung may gulay man o wala.”
 Hindi masamang magkaroon ng bagong kultura basta hindi ito makasasama sa ating bansa.

ANG KULTURA NG PILIPINAS

Ang Kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga mananakop nito noon at ang katutubong asal na nakagisnan. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na 
kadalasang kilala sa tawag na Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing sa Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig-Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Ang kultura o kalinangán sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Iba’t iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba’t ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakilanlang pangkultura ang nahubog. Sa isang bahagi, ito marahil ay sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga dialekto nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa identida.
Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga misyonerong Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng bilinggwal na uri, ang mga Latino. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni de Belen. Umusbong din ang mga panitikang sekular (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-rehiyon para sa mga mayoriyang di nakakabasa o nakakasulat. Naisulat din ang mga ito sa alpabetong Romano ng mga pangunahing wika at kumalat. Sa karagdagan, ang literatura o panitikang klasikal ay naisulat sa Espanyol, na hindi na opisyal na wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.

Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng isla ng Mactan ang unang pumigil sa agresyong kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes, na lalong kilala sa pangalang Ferdidand Magellan. Si Jose Rizal ay ipinagmamalaki ng Lahing Malay, at Pambansang Bayani ng Pilipinas. Ang unang Asian Secretary General ng United Nations ay isang Pilipino – si Carlos P. Romulo.

Itinuturing na Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Sites) ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana dito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Site) ang “Hagdang-hagdang Palayan” (rice terraces) o Pay-yo ng Cordillera, na kinikilala ring pang-walong nakakahangang-yaman ng mundo.