Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong Abril 02, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.
Taong 1836 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.
0 comments:
Post a Comment