Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Ipinanganak siya sa Sagrada Familia sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.
Subscribe to:
Posts (Atom)
0 comments:
Post a Comment